Manila, Philippines – Ikinokonsidera ng Philippine National Police (PNP) na banta sa seguridad ng bansa o National security threat ang paglutang at pagkakarekober ng kilo kilo ng cocaine sa mga dalampasigan sa eastern seaboard ng bansa.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Sr. Supt. Bernard Banac, mismong ang pangulo na ang nagpahayag na maituturing na national security threat ang pagkakarekober ng cocaine sa mga dalampasigan.
Aniya, maikokonsidera itong pagsakop sa bansa dahil sa malaya silang nakakapasok ng iligal na droga sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon kay Banac, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang koordinasyon nila sa Philippine navy at Philippine Coast Guard (PCG) upang magkaroon ng concrete plan para tukuyin ang pinagmumulan ng mga drogang natatagpuan sa mga dalampasigan.
Sa kasaluyan, aabot na sa 130 kilos ng cocaine ang narerekober sa mga dalampasigan sa eastern seaboard ng bansa simula pa noong February 10, 2019.
Aabot aniya sa halagang 690 milyong piso ang mga narerekober na cocaine.