Pagkakaroon ng 2 o Higit pang Bagong Kaso ng COVID-19 sa Barangay, Isasailalim sa Calibrated Lockdown

Cauayan City, Isabela- Mayroon nang bagong hakbang at panuntunan ang lokal na pamahalaan ng Cauayan sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19 sa Lungsod.

Ayon kay City Mayor Bernardy Dy, mula sa 65 barangay sa Lungsod ng Cauayan ay 16 rito ang nakapagtala ng COVID-19 Positive cases.

Dahil dito, gumawa ng hakbang ang lokal na pamahalaan upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng virus sa mga barangay at maiwasan ang pagkakaroon ng local o community transmission.


Kanyang sinabi na kapag may naitalang dalawa o higit pang bagong kaso sa isang barangay ay otomatiko nang isasailalim sa 7days Calibrated lockdown ang purok ng nagpositibo.

Hihigpitan aniya ang entry at exit point ng Purok upang maiwasan ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa apektadong lugar upang mas mapabilis ang pagsasagawa ng Contact tracing.

Pag-aaralan din aniya ng mga miyembro ng Cauayan City COVID-19 Council kung kinakailangang palawigin ang araw ng pagsasailalim sa lockdown o dadagdagan ang Purok na ilalagay sa calibarated lockdown.

Hinihikayat naman nito ang lahat na huwag ikatakot kung ang lugar ay kinakailangang isailalim sa lockdown.

Facebook Comments