Pagkakaroon ng 8 spokesperson ng NTF-ELCAC, kinwestiyon sa Senado

Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagkakaroon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng walong tagapagsalita.

Sabi ni Drilon, ngayon lang siya nakarinig ng isang task force lamang ngunit walo ang mouthpieces na nagpapatibay sa pangamba na propaganda machine lamang ang NTF-ELCAC.

Kaya tanong ni Drilon, sulit ba ang gastos sa nakaraming tagapagsalta ng NTF-ELCAC?


Muli, iginiit ni Drilon na labag sa konstitusyon ang pananatili ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., bilang tagapagsalita ng task force dahil nasa aktibong serbisyo pa ito sa Armed Forces of the Philippines.

Facebook Comments