Pagkakaroon ng age limit sa mga mababakunahan ng AstraZeneca, inirekomenda ng health authority ng Italy at United Kingdom

Inirekomenda ng health authority ng Italy at United Kingdom ang pagkakaroon ng age limit sa mga mababakunahan ng AstraZeneca sa kanilang bansa.

Kasunod ito ng mga naitatalang insidente na may kaugnayan sa nasabing bakuna ang blood clot sa utak at ang pagbaba ng platelets ng ilang naturukan ng AstraZeneca sa Europe.

Ayon sa health authority ng Italy, isang dose lang dapat ang ibigay sa mga edad 60 pataas habang ang mga una nang nabakunahan na edad-60 pababa ay kailangang tumanggap ng isa pang doses ng bakuna ng AstraZeneca.


Habang paliwanag naman ng isang opisyal mula sa UK, dapat maging maingat ang gobyerno sa mga ibibigay na bakuna lalo na sa mga edad 30 pababa.

Batay kasi kay European Medicines Agency (EMA) Executive Director Emer Cooke, delikado para sa mga edad na ito ang AstraZeneca dahil nagdudulot ito ng pamumuo ng dugo sa sinus na nagreresulta ng panunuyo ng dugo sa utak.

Sa kabila naman ng mga paalalang ito, tuloy ang pagrerekomenda ng bakuna ng AstraZeneca sa mga mamamayan ng Italy at UK.

Matatandaang una nang sinuspinde ng ilang bansa ang paggamit ng bakuna ng AstraZeneca dahil sa blood clotting kung saan kabilang sa mga ito ang; Sweden, Latvia, Germany, France, Spain, Denmark, Norway, The Netherlands at iba pa.

Sa ngayon, batay sa tala ni Sabine Straus, Chair ng EMA, umabot na sa 169 ang kaso ng rare brain blood clot ang kanilang naitala hanggang ngayong Abril matapos ipamahagi ang 34 milyong doses AstraZeneca sa European Economic Area (EEA).

Habang lumabas din sa pag-aaral ng EMA na may kaugnayan ang Oxford-AstraZeneca COVID-19 shot sa rare blood clots dahil side effect ito ng bakuna.

Facebook Comments