Tutol si Senator Nancy Binay sa anumang isinusulong na lehislasyon laban sa fake news.
Para kay Binay, ang anumang batas laban sa fake news ay maaaring makapigil sa ‘freedom of expression’.
Paliwanag ng senadora, ginagarantiya ng Konstitusyon ang ‘free speech’ kaya ‘ironic’ o taliwas kung ire-regulate o hihigpitan ang paghahayag dahil lamang sa magkakaibang opinyon o pananaw.
Naniniwala si Binay na maaaring maglunsad ang pamahalaan ng programa o kampanya laban sa tinatawag niyang “uncontrolled virus” na fake news.
Sa ganitong paraan aniya ay malalaman kung alin at sino ang dapat pagkatiwalaan at kahit papaano ay malagyan ng ‘sense of credibility’ ang mga impormasyon at balitang ating natatanggap.
Giit pa ni Binay na ang kailangan natin ay mga tao at non-government watchdogs na kayang pabulaanan publicly ang mga fake news.
Dagdag tulong aniya kung may programa o kampanya kontra fake news ang gobyerno kung saan kasama ang academe at pribadong sektor.