Pagkakaroon ng Bayanihan, Bakunahan Part 4, posible

Hindi malabong magkasa ng panibagong National Vaccination Days.

Sa presscon sa Malacañang, sinabi ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire na layon ng malawakang bakunahan na mapataas pa ang vaccination coverage bilang paghahanda sa new normal.

Ani Vergeire, posibleng sa ikaapat na round ng Bayanihan, Bakunahan ang magkaroon na ng specific target.


Lalo na sa mga nasa A2 category o mga senior citizen na nananatiling mataas ang vaccine hesitancy.

Target din ng pamahalaan na suyurin ang mga nasa malalayo o liblib na lugar upang mabigyang proteksyon ang ating mga kababayan.

Una nang sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na target ng pamahalaan na makamit ang 77 milyong fully vaccinated individuals pagsapit ng katapusan ng Marso at 90 milyon naman bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

Facebook Comments