Pagkakaroon ng gender equality restrooms sa mga paaralan, irerekomenda ng ilang kongresista

Manila, Philippines – Irerekomenda na rin ng ilang mga kongresista ang pagkakaroon ng gender equality restrooms para sa mga LGBTQI+ na mga estudyante at mga guro sa lahat ng public schools sa bansa.

Ito ang imumungkahi ni Bagong Henerasyon Party-list Representative, Bernadette Herrera-Dy kasunod ng under spending ng mga pampublikong paaralan pagdating sa Gender and Development (GAD) gayundin ang insidente ng harassment sa isang transgender woman kamakailan.

Giit ng kongresista, mayroong P31.32 billion na pondo para sa programa ngayong 2019 pero wala pa sa 1% o P27 Million lamang ang nagagamit dito ng 32 Department of Education (DepEd) Schools Division at DepEd National Capital Region (NCR).


Tila aniya walang nakatutok sa Gender and Development (GAD) at binabalewala ng mga eskwelahan ang kahalagahan sa gender equality.

Ayon pa sa lady solon na may-akda rin ng gender equality bill sa Kamara, kapansin-pansin ang kakulangan sa modules para sa reproductive health gayundin ang values education lessons.

Facebook Comments