Pagkakaroon ng house-to-house COVID-19 vaccination, sinisilip ng pamahalaan

Pinaplano na ngayon ng pamahalaan na magkaroon ng barangay at house-to-house COVID-19 vaccination.

Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez, Jr kung saan mag-iisyu aniya ng memorandum ang Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mas mapabilis at mas marami ang mabakunahang mga Pilipino.

Ayon kay Galvez, nakikita nilang mas epektibo ito lalo na’t mas madaling makapunta ang mga gustong magpabakuna kumpara sa mga mall na ginagawang vaccination sites.


Sa kasalukuyan nasa 101 million, 656 thousand, 214 na bakuna na ang naiturok sa buong bansa habang higit 44 million na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Facebook Comments