Manila, Philippines – Nanindigan si ASEAN 2017 National Organizing Council Director General for Operations Ambassador Marciano Paynor Jr. na hindi pa napapanahon para magkaroon ng iisang pananalapi ang Southeast Asia Economic bloc na bumubuo ng Association of Southeast Asian Nations dahil mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga bagay na maaaring pagsimulan ng kooperasyon at pagkakaisa.
Sa ginanap na forum sa Manila, sinabi ni Ambassador Paynor una nang napagkasunduang huwag na munang mag-adopt ng single currency sa rehiyon upang mapangalagaan ang sinasabing competitiveness ng export sector ng bawat member economy.
Inihalimbawa nito ang European Union na gumamit ng common currency na nagbunsod para maapektuhan ang malalakas o mayayamang ekonomiya sa Europa.
Pabor si Paynor na hindi pa panahon na gumamit ng iisang pananalapi dahil hindi pa naaabot ang tamang antas sa sistemang politikal at kaunlaran para magtakda ng iisang pananalapi sa ASEAN gaya ng sa EU.