Pamumuno ni acting COMELEC chair Christian Robert Lim, suportado ni resigned COMELEC chair Andres Bautista

Manila, Philippines – Naniniwala si Resigned COMELEC Chairman Andres Bautista na kakayanin ni acting COMELEC Chairman Christian Robert Lim na pamunuan ang komisyon matapos na mapili ito sa isinagawang En banc ng mga Commissioner.

Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, nagpaabot umano ng pagsuporta si Bautista at pagbati sa bagong talagang OIC dahil most senior si Lim sa mga commissioner kayat nararapat lamang umano siya ang mapipili.

Paliwanag ni Jimenez, wala umanong kinalaman ang Malacañang sa pagpili kay Lim dahil nagkaroon naman na En banc at napagkasunduan ng mga Commissioner na si Lim ang itatalaga.


Facebook Comments