Pagkakaroon ng immunity ng mga kongresista sa mga paglabag sa batas trapiko, hiniling

Manila, Philippines – Hiniling ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas sa Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng tinatawag na immunity ang mga kongresista sa paglabag sa mga batas-trapiko.

Paliwanag niya, posible kasing makagawa sila ng paglabag lalo na kapag nagmamadali.

Baka raw pwede na huwag muna silang hulihin at patapusin muna ang dadaluhan nilang sesyon o pagdinig bago sila isuko ng lider ng Kamara.


Dagdag pa ni Fariñas, pinapayagan naman ito sa konstitusyon lalo na kung hindi hihigit sa anim na taon ang parusang posibleng kasangkutan ng mambabatas.

Wala pa namang komento ang DOTr hinggil dito.

Facebook Comments