Surprise drug test sa Police Regional Office Ten, pinangunahan ni Director Pacleb

Pinangunahan ni Police Regional Office o PRO 10 Director Police Chief Supt. Timoteo Pacleb ang isinagawang surprise drug test kahapon sa Camp Alagar dito sa Cagayan de Oro City.
Ito’y alinsunod sa internal cleansing na ipinatutupad ng kapulisan sa buong Pilipinas upang malaman kung sino ang mga nasasangkot sa illegal na druga.
Kabilang sa isinailalim sa drug test ay ang mga miyembro ng Police Regional Office 10 command group, ang kanilang iba’t-ibang division chiefs at opisyal ng Regional Operation Support Units.
Ayon kay PRO 10 Spokesperson Lemuel Gonda na hindi nila hahayaang may mga pulis na lalabag sa batas at masangkot sa druga kaya naman ipinaalala nito sa kapulisan na matatanggal sa serbisyo ang magpopositibo sa paggamit ng illegal na druga.
By: Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments