Pagkakaroon ng Infectious Disease Center sa bawat lugar, iginiit ng isang senador

Binigyang-diin ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Infectious Disease Center sa bawat lugar sa bansa.

Ito ang iginiit ni Revilla makaraang pangunahan ang groundbreaking ceremony ng Infectious Disease Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City kamakailan.

Ang naturang Infectious Disease Center ay magsisilbing pasilidad para sa makabagong laboratory at isolation place upang tukuyin at maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit.


Ayon kay Revilla, magiging simbolo ang Infectious Disease Center ng dedikasyon ng Senado hindi lamang sa paggamot ng sakit kundi sa pagiwas at pagpigil na rin ng pagkalat ng mga karamdaman sa komunidad.

Dagdag niya pa rito, mahalagang matiyak na nakahanda ang bawat lugar sa anumang hamon sa kalusugan na maaaring mangyari sa hinaharap.

Mababatid na isa ang Mpox ngayon sa infectious disease na binabantayan ng pamahalaan kung saan sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), nasa lima na ang aktibong kaso nito sa bansa.

Facebook Comments