Nakapagtala ng pagtaas na nasa ₱5.57 billion ang pumasok na investment sa pamamagitan ng Clark Development Corporation o CDC hanggang nitong Hunyo.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), batay na rin ito sa kanilang natanggap na report mula sa CDC na kung saan, malaking dahilan sa tumaas na pagpasok ng investment ay dahil sa pagkakaroon ng investor-friendly freeport zones and business streamlining sa bansa.
Partikular na dito ang Executive Order 18 na nagpapatupad ng green lanes para mapabilis ang usad ng investment processes at nagbibigay ng direktiba sa lahat ng government entities kasama na ang Local Government Units (LGUs) para mapabilis ang permit issuance.
Batay sa natanggap na report ng PCO, ₱1. 207 billion ang remittance ng CDC nito lamang nakaraang May 2023 na kumakatawan sa 50 porsiyento ng net income ng CDC.
Malaking bagay aniya ang pagbibigay ng prayoridad sa pagpapatupad ng ease of doing business maging ng automated processes gaya ng electronic trade permit applications, permit monitoring systems, revenue monitoring systems at electronic entry/exit pass applications.