Iminungkahi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pamahalaan na magkaroon ng isang legislated nationwide minimum wage increase.
Sa gitna na rin ito ng utos ng pangulo sa Regional Wage Boards (RWB) na pag-aralan ang kasalukuyang wage rate o minimum na sahod sa bawat rehiyon sa bansa.
Ayon kay Pimentel, kung hiniling na mismo ng pangulo sa RWB na i-review ang wage rates, ibig sabihin, hindi gumagana o hindi epektibo ang kasalukuyang sistema.
Sinabi ng senador na posibleng “out of touch” o wala sa reyalidad ang RWB sa mga totoong nangyayari sa mga manggagawa.
Sinabi pa ng mambabatas na hindi na sensitibo ang RWB sa aktuwal na sitwasyon sa ibaba kung saan marami nang nahihirapan kahit ang mga nagtatrabaho na sumasahod ng minimum wage ay hindi na rin makatarungan.