Pagkakaroon ng mas magandang healthcare para sa mga Pilipino, patuloy na pinupursige ng gobyerno

Umaasa ang Marcos administration na sa pagkakaaproba ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board para sa pagpapatayo ng anim na bilyon at 300-bed capacity sa University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) Cancer Center ay magkakaroon ng mas maayos na health care ang mga Pilipino.

Sa isang panayam sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na bahagi ng commitment ng Marcos Administration ay ang pangangailangan pangkalusugan ng mga Pilipino kaya inaprobahan ang pagtatayo ng UP-PGH Cancer Center.

Ito aniya ang kauna-unahang Public Private Partnership o PPP project sa ilalim ng Marcos administration.


Bahagi rin daw ito ng Philippine Development Plan kung saan nakapaglagay na ng mga Regional Specialty Hospitals sa mga malalayong probinsya.

Samantala ayon naman kay Dr. Jose Rafael Marfori, PGH Special Assistant to the Director, na ang konstruksyon ng UP-PGH Cancer Center, ay magbibigay ng malaking tulong para sa mga pasyenteng may cancer.

Aniya, kapag operational na ito magkakaroon ng access sa mga bagong teknolohiya ang mga medical professionals para mapaangat pa ang kanilang expertise para sa ikabubuti nang mga pasyente.

Facebook Comments