
Naniniwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino na napapanahon na para magkaroon ang bansa ng nuclear energy.
Ito ay para maibsan ang matagal nang problema sa mahal na singil sa kuryente at kakulangan sa suplay nito.
Pinaaaprubahan ng senador ang pagbuo ng national nuclear framework na nakapaloob sa Senate Bill 1194 o ang Philippine Nuclear Regulation Act.
Tinukoy ni Tolentino na maraming island provinces ang Pilipinas na mahal at kapos ang serbisyo ng kuryente at malaking tulong ang pagkakaroon ng mga micro modular nuclear power plants para maghatid ng elektrisidad sa mga liblib at off-grid areas sa bansa.
Bukod sa nuclear power, isinusulong din ni Tolentino ang pag-alis sa 12 porsyentong value-added tax (VAT) sa elektrisidad sa pamamagitan ng SBN 2970, na kanya ring iniakda.