
Katuwang na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang United Kingdom sa pagpapapalakas sa pangangalagang blue economy ng Pilipinas.
Sa pamamagitan ng Blue Planet Fund, susuportahan ng UK ang mga proyektong may kaugnayan sa pangangalaga ng yamang-dagat, pagbabawas ng plastik na basura, at pagpapaunlad ng kabuhayan sa komunidad na malapit sa baybayin.
Ayon kay Environment Secretary Loyzaga, kabilang pauunlarin ay ang marine protected area sa Verde Island Passage, Calamianes Islands sa Palawan, at Tañon Strait sa pagitan ng Negros at Cebu.
Susuportahan din nito ang National Blue Carbon Action Plan ng Pilipinas, na naglalayong ibalik ang mga bakawan at palakasin ang proteksyon sa coastal ecosystems.
Matatandaang nakipagpulong si UK Secretary of State for Foreign, Commonwealth, and Development Affairs David Lammy kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong March 8 upang pagtibayin ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Nagresulta ito sa pagpirma ng isang kasunduan na naglalayong palakasin ang ugnayan sa ekonomiya, seguridad, at pangangalaga sa kalikasan.