NANANAWAGAN ngayon ang Provincial Health Office ng Pangasinan sa publiko na huwag mag-hoard ng oxygen tanks sa kanilang tahanan.
Ayon kay Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Officer, hindi nito inirerekomenda ang pagkakaroon ng kada oxygen tanks sa tahanan ngayong pandemya sapagkat tanging ang mga may kaalaman lamang ang dapat na nagreregulate nito.
Dagdag ni Dra. De Guzman, hayaan na lamang ang mga oxygen tanks sa hospital para sa mga pasyenteng mas nangangailangan nito.
Inihalimbawa nito ang nangyaring hoarding ng face mask noon kung saan walang magamit na surgical mask ang mga health workers kung kaya’t nakikusap ito sa publiko na huwag gawin ang hoarding sa oxygen tanks.
Binigyang diin din ni Dra. De Guzman na masama sa katawan ang sobrang oxygen.
Samantala, wala naman itong kakulangan sa ngayon dahil dire diretso ang produksyon nito sa lalawigan.