Pagkakaroon ng passion sa ginagawa, isa sa nagpapatatag sa Chikitos Bar and Restaurant sa kabila ng mga dumaang pagsubok

14

Nagsimula bilang maliit na stall pero patuloy na lumago dahil sa hilig ng mga Pilipino sa Pinoy barbecue.

Sa interview ng Business as Usual sa owner ng Chikitos Bar and Restaurant na si Rebecca Topacio, ibinahagi nito ang kanilang humble begginings bago makilala bilang puntahan ng mga mahilig gumimik.


Ayon kay Topacio, original recipe ang lahat ng kanilang mga iniaalok kagaya ng grilled barbecue chicken kung kaya’t isa rin ito sa dahilan kung bakit sila binabalik-balikan.

Masaya ring ikinwento ni Topacio na ang passion nila ang nagpapatatag sa negosyo sa kabila ng mga dumaang pagsubok kagaya ng nararanasan nating COVID-19 pandemic.

Facebook Comments