Pagkakaroon ng permanenteng evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad, iminungkahi ng isang Senador

Iminumungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian na magkaroon ng permanenteng evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad.

Ito ay bilang tugon ng bansa para maging handa sa mga kinahaharap na krisis kagaya ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Gatchalian, bagama’t ginagamit sa ngayon ang mga silid aralan bilang evacuation centers sa ilalim ng Republic Act no. 10821 ay pinapayagan lamang ito ng batas bilang huling opsyon at sa loob lamang ng maikling panahon.


Hindi aniya ito nakatutulong na gawing ligtas ang mga paaralan at nagdudulot din ito ng pagkaantala sa mga klase.

Paliwanag pa ng Senador, sakaling magkaroon ng permanenteng evacuation centers ay mapatatatag nito ang kakayanan ng ating mga lokal na pamahalaan na rumesponde sa mga sakuna at masigurong agad na makababalik ang mga estudyante pagkatapos ng isang krisis.

Facebook Comments