Pagkakaroon ng ‘plundemic’, pinabulaanan ng Palasyo

Hindi totoong nagkaroon ng ‘plundemic’.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa banat ni Senator Manny Pacquiao na sinamantala ng iilan ang pera na laan para sa pandemya na maituturing na biggest crime against humanity.

Ayon kay Roque, ang Commission on Audit (COA) na ang naglinaw na walang pandarambong na naganap sa pondo ng Depatment of Health (DOH).


Mayroon lamang unspent o hindi nagastos na pondo ang ahensya pero hindi nangangahulugang ito ay nawawala kaya hindi maituturing na katiwalian.

Samantala, tinutulan din ng Palasyo ang puna ng senador na lalo pang lumala ang pandemya dahil sa mismanaged ng Duterte administration.

Sinabi ng kalihim na hindi na kataka-taka ang pahayag na ito ni Sen. Pacquaio dahil nalalapit na ang eleksyon 2022.

Facebook Comments