Pagkakaroon ng sanction sa AFP, itinanggi ni AFP Spokesperson Edgar Arevalo

Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo na walang nagaganap na sanction sa kanilang hanay.

Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon nang nabakunahan laban sa COVID-19 sa hanay ng militar mula sa Chinese firm na Sinopharm.

Ayon kay Arevalo, walang AFP-sanctioned sa inoculation o pagbabakuna sa mga miyembro ng AFP.


Patuloy naman aniyang bineberipika ng AFP ang impormasyon na sinabi ni Pangulong Duterte.

Samantala, nilinaw ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na boluntaryo ang isinasagawang pagbabakuna sa mga sundalo.

Hindi naman kasi aniya makakarating sa mga ito ang mga bakuna kung walang go-signal ng kanilang mga commanders at hindi dapat sa batas.

Matatandaang una ng kumalat ang impormasyon kung saan ilang miyembro ng militar ang nabakunahan kahit wala pang aprubadong COVID-19 vaccine ang Philippine Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments