Pagkakaroon ng sariling public opinion polling, ikinokonsidera ng OCTA

Ikinokonsidera na ng OCTA Research Group ang pagkakaroon ng public opinion polling kahalintulad Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia.

Ayon kay OCTA Research Group Professor Ranjit Rye, layon nito na maayos na maipaabot sa publiko ang mga impormasyong may kinalaman sa COVID-19 at ang epekto nito.

Posibleng maging laman din ng polling ang mga COVID-19 data at projections na kailangang malaman ng mga Pilipino sa gitna ng pademya.


Kinabibilangan ang OCTA Research group ng mga academicians at doktor mula sa University of the Philippines at University of Sto. Tomas.

Facebook Comments