Isinusulong ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na magkaroon ng uniform penalties ang mga Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila.
Ito ay laban sa mga indibidwal na nagpa-booster shot o nakatanggap ng mahigit sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Belmonte, kino-konsulta na niya si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos para gumawa ng general policy laban sa mga indibidwal na nagsi-city-hopping sa bakuna.
Matatandaang kahapon ay kinasuhan ng QC-LGU ang dalawang katao na nakatanggap ng booster shots sa lungsod kahit sila ay fully vaccinated na.
Nabatid na nakatanggap ng dalawang doses ng Sinovac vaccine sa Mandaluyong City ang isa sa mga indibidwal noong May 10, 2021 ngunit nagpabakuna pa rin ito ng Moderna sa Quezon City ngayong linggo.
Habang ang isa naman ay tumanggap ng Pfizer bilang kanyang 3rd dose kahit pa fully vaccinated na ito ng Sinovac.