Pinag-aaralan na ng bansa ang pagkakaroon ng vaccine passport para sa mga fully vaccinated na Pilipino.
Ito ay naungkat sa Technical Working Group (TWG) hearing ng House Committee on Transportation matapos matanong ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles kung may balak ang pamahalaan na mag-isyu ng isang dokumento na magpapatunay na nabakunahan ang isang indibidwal na kanyang magagamit sa pag-biyahe.
Ayon kay Department of Health (DOH) Disease Prevention and Control Bureau Director Nikka Hao, nakikipag-ugnayan na sila tungkol dito sa World Health Organization (WHO), DOH, at sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ang vaccine passport ay kahalintulad aniya ng “Yellow Passport” na kailangan iprisinta ng mga pumapasok sa South Africa, patunay na nabakunahan ang isang biyahero kontra Yellow Fever.
Sinabi ni Hao, posibleng kada bansa pa lamang o local implementation ang maging paraan ng pagpapatupad sa kahalintulad na pass dahil kailangan pang plantsahin ang isyu sa data collection and verification sa pagitan ng mga bansa.