Pole vaulter EJ Obiena, aminadong hindi pa sigurado sa susunod na gagawin matapos ang Tokyo Olympics

54

Aminado si Pole vaulter EJ Obiena na hindi pa siya sigurado sa mga susunod na gagawin matapos ang Tokyo Olympics.

Lumapag sa ika-labing isang puwesto si Obiena matapos malinis ang 5.50 meters at 5.70 meters habang bigo namang maitawid ang huling round na 5.80 meters.


Ayon kay Obiena, nagkaroon siya ng hindi magandang pakiramdam sa sarili sa buong kompetisyon.

Aniya, bagama’t nais niyang manalo at mag-uwi ng medalya noong panahong iyon ay hindi talaga umayon ang pagkakataon.

Sa ngayon, kailangan niya munang isipin ang kaniyang mga susunod na plano.

Facebook Comments