Itinuturing na major milestone sa Bangsamoro peace process ang pagkakasama ng ilang mga dating myembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Sec. Carlito Galvez, Presidential Adviser on Peace, Reconciliation & Unity malaking tulong na magkatuwang na ngayon sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pulisya at mga dating kasapi ng MILF at MNLF.
Aniya, patunay lamang ito na ang pakikipag dayalogo sa mga dating rebelde ay mas mainam kaysa sa pag aaklas o madugong pakikibaka.
Base sa pinaka huling datos ng PNP, pasok na sa clean list ng kanilang police recruitment process ang nasa 200 dating rebelde.
Gumugulong na rin ang pagsala sa ikalawang batch ng mga dating rebelde para sila ay mapasama sa police force.
Matatandan na ang pagpasok ng MILF at MNLF sa PNP ay sakop ng Republic Act 11054 Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos ang paglagda sa peace agreement.