MANILA – Hindi pa itinuturing ng Philippine National Police na isang opisyal na teorya ang umano’y pagkakasangkot ng isang“Korean mafia”sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.Sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na bagamat may mga kompetisyon talaga sa loob ng Korean community, ngunit hindi pa nila nae-establish ang nasabing posibilidad dahil narinig lang niya ito at wala pa siyang mga impormasyon ukol dito.Ayon kay Dela Rosa – nalaman lang niya ito mula sa reporter na nakuha ang impormasyon mula sa isang source na retired general, ngunit ayaw naman itong pangalanan.Kasabay nito, nanawagan si Dela Rosa sa publiko na ihiwalay ang mga teorya ng PNP at NBI na base sa kanilang imbestigasyon, mula sa mga haka-haka ng ibang tao tulad ng mga retiradong opisyal.Sa ngayon aniya ay naniniwala sila na posibleng extortion ang dahilan ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo
Pagkakasangkot Sa Isang “Korean Mafia” Sa Pagpatay Kay Jee Ick Joo – Isinantabi Ng Pnp
Facebook Comments