Pagkakasira ng reef ecosystem sa ilang lugar sa WPS, nakakaalarma

Manila, Philippines – Ikinabahala ng Malacañang ang ulat ng UP Marine Science Institute na aabot sa 33-bilyong pisong halaga ng reef ecosystem ang nasisira kada taon sa Panatag Shoal at Spratly Islands dahil sa mga reclamation activity at iligal na operasyon ng pangingisda ng China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – magsasagawa ng sariling pag-aaral ang gobyerno para alamin kung totoo ang report.

Maaari aniya itong iatas sa Department of Agriculture (DA) na nangangasiwa sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Kapag napatunayang totoo, tiniyak ni Panelo na gagawa ng kaukulang hakbang ang gobyerno lalo at seguridad at kapakanan ng mga Pilipino ang nakasalalay dito.

Bukod dito, beberipikahin din aniya ng pamahalaan ang ulat ng grupong Karagatan Patrol na mas maraming foreign vessel ang lumalapit sa coastline ng mga probinsya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments