Pagkakasundo na muling buhayin ang turismo sa insurgency- free na mga lugar sa Mindanao, nilagdaan ng DOT, DILG at DND

Magtutulungan ang Department of National Defense (DND), Department of Tourism (DOT) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para buhayin ang turismo sa mga insurgency-free communities sa Mindanao.

Ito ang nilalaman ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng tatlong kagawaran na nilagdaan ni DND Undersecretary Angelito M. de Leon, na kumatawan kay DND OIC Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr., DOT Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco, at DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., sa Zamboanga City.

Ayon kay DOT Sec. Frasco, ang partnership ng tatlong kagawaran ay isang malaking hakbang sa pagtuklas ng malaking tourism potential ng Mindanao.


Binasa naman ni Usec. De Leon na ang kasunduan ay pagtiyak ng commitment ng DND sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na pangalagaan ang pambansang seguridad kasabay ng pagsuporta sa social and economic development.

Samantala, tiniyak naman ni DILG Sec. Abalos ang suporta ng kanyang kagawaran sa pagsiguro na may sapat na seguridad ang Philippine National Police (PNP) sa mga tinukoy na potential tourist destinations.

Facebook Comments