Pagkakasundo ng bawat isa sa Maguindanao, pangarap ni Bai Mariam

Pagkakaisa ng bawat angkan o pamilya sa lalawigan ng Maguindanao ang isa lamang sa adhikain ni Bai Mariam Sangki- Mangudadatu kung bakit ito tumakbo bilang Gobernador .
Wala aniyang nakakahigit pa kung ang lahat ng pamilya mula sa ibat ibang bayan ng lalawigan ay nagkakaisa, mas panatag rin aniya ang bawat kalooban kung ipinapairal ng bawat isa ang pagmamahalan sa halip na galit giit pa ni Bai Mariam.
Bilang isang ina, mas masaya rin aniyang makita na nagkakaunawaan ang bawat myembro ng pamilya dagdag pa nito.
Kaugnay nito, nagpapasalamat si Mangudadatu na sa pamamagitan ng Team GMSM , nasimulan na muli ang pagkakasundo ng ilang nirerespetong Angkan sa Maguindanao .
Matatandaang noong araw ng lunes, isinagawa ang Kanduli sa bayan ng Sultan Kudarat na nilahukan ng pamilya Sinsuat, Mastura, Midtimbang, Ampatuan, Ibay, Upam, Sangki at Mangudadatu.
CCTO PIC

Facebook Comments