Naniniwala si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim in Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Ahod Ebrahim Al Haj na sa susunod na taon ay magkakaroon ng magandang samahan ang mga revolutionary group para sa mas mapayapang BARMM Region.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BARMM Interim Chief Minister Ahod Ebrahim Al Haj na malaki ang maitutulong ng composition ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa peace and order ng BARMM dahil ang mga miyembro nito ay mga revolutionary group.
Aniya, ang Moro National Liberation Front o MNLF ay may dalawang faction, ito ay ang Sema group at Nur Misuari group na parehong BTA member for the parliament na ngayon.
Kaya naman umaasa si Chief Minister Ebrahim na simula sa susunod na taon ay magkakaroon ng magandang samahan ang mga revolutionary group.
Samantala, isa pa sa pinaghahandaan at tinututukan ng BARMM ay ang gagawin nilang eleksyon sa taong 2025.