PCG, paiiralin sa kanilang hanay ang pagbabawal sa single-use ng plastic

53

Ipagbabawal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang mga tauhan ang single-use ng plastic.

Ito ay bilang pangangalaga na rin sa marine environment.

Pagmumultahin naman ang mga tauhan ng PCG na lalabag sa naturang direktiba.


Ibabahagi rin ng PCG ang kanilang kampanya sa mga pasahero ng barko at maging sa shipping companies, at lahat ng stakeholders.

Ito ay sa harap na rin ng patuloy ng pagdami ng mga plastik na nakukuha sa karagatan sa tuwing may clean-up drive.

Facebook Comments