Pagkakatalaga kay Dante Gierran bilang bagong PhilHealth President, suportado ni Justice Sec. Guevarra

Kumpiyansa si Justice Secretary Menardo Guevarra na maayos na magagampanan ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran ang kaniyang bagong posisyon bilang PhilHealth President.

Sinabi ni Sec. Guevarra na mayroon namang legal background si Gierran at isa rin itong Certified Public Accountant (CPA).

Naniniwala ang kalihim na mayroong investigative skills si Gierran at may sapat na administrative abilities na akma para pamunuan ang PhilHealth.


Kumpiyansa rin ang kalihim na maaayos na magagawa ni Gierran ang cleansing process at mga reporma sa PhilHealth.

Samantala, aminado naman si Gierran na kabado siya sa kaniyang bagong posisyon lalo na’t wala siyang masyadong kaalaman sa public health.

Facebook Comments