Pagkakatalaga kay Sec. Duque sa WHO, malaking bentahe raw ayon sa DOH

Kumbinsido ang Department of Health (DOH) na malaki ang magiging “advantage” ng Pilipinas sa pagkakahalal kay Health Sec. Francisco Duque III bilang Chairman ng World Health Organization (WHO) Regional Committee for the Western Pacific.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, partikular na magbe-benipisyo rito ang Pilipinas sa usaping pangkalusugan at sa pagtugon sa COVID-19.

Una nang inihayag ni Duque na maraming matututunan ang bansa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic dahil sa pagkakahalal sa kaniya bilang Chairman ng WHO Regional Committee for the Western Pacific.


Facebook Comments