Pagkakatalaga ng isang dating Heneral na mamumuno sa PhilHealth, hindi makabubuti sa ahensya

 

Umalma si Bayan Muna Rep. Elect Ferdinand Gaite sa pagkakatalaga ng isa nanamang dating Heneral sa ahensya ng gobyerno.

Si retired Army General Ricardo Morales ang bagong PhilHealth President na dati namang MWSS Board member.

Giit ni Gaite, hindi makabubuti para sa Philhealth at sa mga members nito na pamunuan ng isang ex-Army General.


Aniya, maraming beses na napatunayan na hindi epektibo ang pamumuno sa isang ahensya kapag galing sa AFP at PNP.

Ilang sundalo na aniya ang naalis sa pwesto dahil hindi nagampanan ang mga tungkulin na iniatang sa kanila tulad nila dating PCSO General Manager Alexander Balutan, dating Customs Director General Nicanor Faeldon at dating BOC Chief Isidro Lapena na ngayon ay TESDA Chief.

Maging si Morales ay may iniwang problema sa MWSS tulad ng kakulangan ng tubig bunga ng kapabayaan o incompetence ng ahensya bago ito naitalaga sa Philhealth.

Sinabi pa ng kongresista na nagagamit ang civilian bureaucracy bilang reward o suhol sa mga dating military officers na maging loyal kay Pangulong Duterte kahit pa batid na hindi sila akma at qualified sa mga ibinibigay na posisyon.

Facebook Comments