Pagkakautang ng Magsasakang Binaril sa San Mariano, Tinitignang Motibo

Cauayan City, Isabela- Tinitignang motibo ng PNP San Mariano ang pagkakautang ng isang magsasaka na binaril kahapon, Marso 30, 2021 sa Purok 4, Barangay Alibadabad sa nasabing bayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PSSg Rogelio Ignacio, imbestigador ng PNP San Mariano, kanyang sinabi na batay sa resulta ng kanilang pagsisiyasat at ibinigay na impormasyon ng pamilya, ikinukonsidera nila ang pagkakautang ni Remigio Cabaldo, 47-anyos, may-asawa na residente ng Brgy. Disusuan, San Mariano, Isabela at pagakaka-inggit umano ng kanyang mga kabarangay sa kanya.

Nabatid na mayroong malawak na taniman ng pakwan ang biktima at marami din umanong mga kabarangay ang naiinggit sa kanya.


Matatandan pasado ala una ng hapon kahapon, magkakarga sana ng dayami ang biktima kasama ang anak at mga tauhan para sa mga naaning pakwan nang biglang dumating ang riding in tandem suspek at pinagbabaril ang biktima.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo at kamay ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Kaugnay nito, mayroon na rin binabantayang person’s of interest ang pulisya na nasa likod ng nangyaring krimen.

Facebook Comments