Eroplanong sinasakyan ng Utah Jazz players, nag-emergency landing matapos ang birds flock

Tiniyak ng pamunuan ng Utah Jazz na ligtas ang mga manlalaro nito matapos mag-emergency landing ang eroplanong sinasakyan ng koponan sa Salt Lake City nang sumabog ang isang makina nito nang makahigop ng mga lumilipad na ibon.

Ayon sa Jazz, nag-apoy ang makina at huminto kaya agad na bumalik sa paliparan ang eroplano para mag-emergency landing.

Papunta sana ang Jazz sa Memphis, Tennessee para sa kanilang road game kontra sa Grizzlies.


Ilang oras matapos ang insidente, natuloy naman ang pag-alis ng Jazz matapos dumating ang kapalit na eroplano.

Facebook Comments