Pagkakautang ng mga mayayamang negosyante, makokolekta sa loob ng unang tatlong taon sa Lacson-Sotto Administration

Tinitiyak nina presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na makokolekta nila sa loob ng unang tatlong taon sa kanilang anim na taon na pamumuno sa bansa sakaling papalarin na manalo sa halalan.

Ayon sa Lacson-Sotto tandem ay makokolekta na ng pamahalaan ang bilyon-bilyong pisong buwis na pagkakautang ng mga mayayamang pamilya at korporasyon.

Paliwanag naman ni Sotto, hindi aniya sila magiging pipi, bingi at bulag sa pagkakautang sa gobyerno ng mga maimpluwensiyang na pamilya rito sa ating bansa.


Paliwanag ni Sotto, kapag ang buong bayad ay hindi makokolekta ang mga hindi nagbabayad na mga mayayamang pamilya o korporasyon ay obligadong lumagda sa isang kasunduan sa gobyerno na aayusin nila ang kanilang pagkakautang sa ilalim ng fixed payment terms.

Binigyang diin ni Sotto na magbabayad o kulong ang kanilang magiging patakaran kontra sa mga mandarambong na paulit-ulit nang niloloko ang ating pamahalaan kung saan ay sa ilalim ng Lacson-Sotto administration, matatapos na ang maliligayang araw ng mga abusadong pamilya at mga kompanya.

Facebook Comments