Nagkasundo sa isang boto ang mga members of the parliament para pigilan si British Prime Minister Boris Johnson sa isang “no-deal,” Brexit.
Pero nagbabala si Johnson na magkakaroon ng eleksyon kung “itatali” nila ang kanyang kamay tungkol sa Brexit.
Giit niya, hindi niya matatanggap na isusuko na lamang ang Britanya sa European Union.
Kapag nabigyan ng kontrol ang mga mambabatas hinggil sa usapin, maaari silang makapagpasa ng batas kung saan mapipilitan si Johnson na makiusap sa EU na i-delay ang Brexit sa loob ng tatlong buwan hanggang January 31, 2020.
Maliban na lamang kung paboran ng parliyamento ang pag-alis ng UK sa EU na walang kasunduan.
Facebook Comments