NPC, pinag-iingat ang publiko sa paggamit ng loan apps

Pinag-iingat ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko sa paggamit ng loan applications na nada-download na sa mga mobile device.

Ito ay dahil pinapahiya ng lending company ang mga nangungutang na hindi makabayad.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro – ang mga lalabag na financing o lending company ay pwedeng patawan ng multang 25,000 pesos hanggang isang milyong piso at pagbawi ng Certificate of Authority to Operate.


Facebook Comments