Sinuspinde muna ng mga pribadong ospital ang plano nilang pagkalas sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ayon kay Dr. Jose Rene de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI), nagkasundo sila na bigyan ng hanggang katapusan ng Enero ang PhilHealth para makabayad sa mga utang nito.
Aniya, kapag nabigo ulit ang state insurer ay itutuloy na talaga ng mga ospital ang pagkalas sa PhilHealth pagsapit ng Pebrero.
Una nang nag-abiso ang pitong ospital sa Iloilo na kakalas sa PhilHealth ngayong Enero dahil sa hindi pa rin nababayarang COVID-19 claims.
Facebook Comments