Libreng mass testing, inihirit ng isang kongresista dahil sa banta ng Omicron variant

63

Umapela si Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate para sa libreng mass testing kasunod ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa partikular sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Zarate, kailangan ng malawakang testing lalo na at muling tumaas ang bilang ng tinamaan ng sakit matapos ang holiday season at pinangangambahan ang banta ng Omicron variant.

Inirekomenda rin ng kongresista na sabayan ang mass testing ng pro-active na contact tracing at mas episyenteng vaccine roll out.


Pinayuhan din ng mambabatas ang publiko na maging mas maingat upang hindi maulit ang mahigpit na lockdown lalo at isasailalim muli sa Alert Level 3 ang NCR simula ngayong araw, 3-15 ng Enero.

Facebook Comments