Pagkalat ng Ebola virus sa Democratic Republic of Congo, pinangangambahan!

Nangangamba ngayon ang mga doktor sa posibilidad ng outbreak ng Ebola virus sa Democratic Republic of Congo.

Ayon kay Dr. Jeremy Farrar, direktor ng major medical research charity na Wellcome Trust, walang senyales na mapapahinto ang pagkalat ng virus.

Sa ngayon ay pumalo na sa halos 1,400 katao na ang nasawi dahil sa nasabing sakit.


Nanawagan na din ng tulong mula sa international community ang Congo para mapigilan ang panganib ng Ebola.

Ang bagong epidemya ngayon ng sakit sa Congo ay ang pinakamalala na simula 2013 hanggang 2016.

Facebook Comments