Warriors, hindi sasayangin ang sakripisyo ni Durant sa pagsabak nila sa game 6

450

Naging matagumpay ang operasyon sa natamong Achilles injury ni Warriors most valuable player Kevin Durant sa game 5 ng NBA Finals.

Sa Instagram post ni Durant, makikita na naka-hospital bed ang Warriors star matapos isagawa ang ruptured right Achilles tendon surgery ni Durant.


Nagpasalamat naman ang Warriors star lalo na sa kanyang mga kaanak at mga fans sa pagsuporta at pagdasal para sa kanyang fast recovery.

Dagdag pa ni Durant, masakit para sa kaniya na hindi siya makakapag laro sa game 6 ng NBA Finals.

Samantala, titiyakin naman ng Warriors na hindi masasayang ang ginawang sakripisyo ni Durant.

Ayon kay Stephen Curry, magiging puhunan nila ang pagiging matatag at pagkakaroon ng fighting spirit ng kanilang team para ipanalo ang game 6 ng NBA Finals kontra Toronto Raptors.

Facebook Comments

From Advertisers