Pagkalat ng mga online fraud sa gitna ng pandemya, ibinabala ng BAP

Binalaan ng Bankers Association of the Philippines (BAP) ang publiko kaugnay sa kumakalat na mga online fraud na gumagamit na rin ng digital banking ngayong pandemya.

Ayon sa BAP, laganap na rin ang panloloko online o ang tinatawag na “phising”, kung saan nagpapadala ang mga ito ng email para makuha ang password at iba pang mahahalagang impormasyon sa account ng isang indibidwal.

Hinimok naman ng BAP ang publiko na maging maingat sa mga ganitong klaseng scheme lalo’t tumataas ngayon ang insidente ng Cybercrime.


Batay sa datos ng Anti-Money Laundering Council, tumaas ng 57% ang napa-ulat na mga kahina-hinalang transaksyon kumpara noong nakaraang taon sa kaparehas na buwan.

Facebook Comments