Itinuturing nang endemic sa Central Africa ang monkeypox.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na nangangahulugan lamang ito na matagal nang na-detect doon ang monkeypox na hindi rin aniya gaanong kumalat.
Madali lamang ani David na mapigilan ang pagkalat ng monkeypox dahil base sa pag-aaral, less than one o mababa pa sa isa ang reproduction number nito.
Kaya sakaling makapasok man aniya sa bansa ang monkeypox, kailangan lamang na paigtingin ang prevention gaya ng pag-isolate at pag-iwas sa mga mayroong sintomas ng naturang sakit.
Facebook Comments