Ikinabahala ng United Broilers Raisers Association (UBRA) ang pagkalugi ng ilang manukan bunsod ng mababang farm gate price.
Itinuturong dahilan ng UBRA ay ang sobrang dami na inaangkat na manok mula sa ibang bansa.
Batay sa datos ng broilers group, nasa 212 milyong kilo ng manok ang dumating sa bansa sa unang pitong buwan ngayong taon at may inaasahang 202 milyong kilo pa ang darating na may kaukulang import permit.
Dahil dito, nagbawas na ng produksyon ang ibang retailers dahil sa pagkalugi.
Wala pang kumento ang Department of Agriculture (DA) hinggil dito.
Facebook Comments