BAYAMBANG, PANGASINAN – Inihayag ng ni Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So na magpapatuloy lamang na malulugi ang mga onion farmers kung patuloy na mag iimport ang Pilipinas ng mga sibuyas.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Engr. So, sinabi nito na nagparating na rin sa kanya ng hinaing ang ilang mga onion farmers mula sa bayan ng Villasis kaugnay sa napakababang presyo ng sibuyas.
Aniya, kung magpapatuloy ang importasyon ng sibuyas ng ating pamahalaan ay hindi matitigil ang pagkalugi ng mga onion farmers dahil na rin sa dami ng suplay.
Dagdag nito, nataon din kasi na Anihan ng sibuyas ngayon kung kaya’t marami ang suplay at sinabayan pa ng importasyon kaya’t hindi makabawi ang mga onion farmers ng kanilang kita.
Matatandaan na una ng naglabas ng hinaing ang mga onion farmers ng Bayambang kung saan sila ay umaaray na sa napakababang farmgate Price ng sibuyas na nagkakahalaga lamang ng 25-30 pesos kada kilo nito. | ifmnews

Facebook Comments